January 23-30, 2002

Makati City, Metro Manila, Philippines
www.mov.moviespage.com

main

categories

venue

sked

about us
team
contact
 

sponsors
links
guests
movboard









 

IMPOSIBLE ( Mez De Guzman )

Base ito sa isang segment sa Eat Bulaga na Pinoy Book of Record at sa ipinalabas na portion sa Kool Ka Lang. Kung saan ay guest ang mga may pambihirang “talent”. Matagal nang nilalaro ang konseptong “pagalingan” sa konteksto ng naturang segment. Ang Bawat kalahok ay may angking talent, isa sa mga ito ay ang pagpapahinto ng umiikot na electric fan sa pamamagitan ng dila, gayundin ang pagbabaluktot ng bakal sa leeg upang masabing matibay ang leeg nito. Isang kalahok na kayang hilahin ang isang dyip sa pamamagitan ng ipin, etc.

 Nilaro ng filmmaker ang konsepto ng pagpapakita ng pinoy sa kanilang talent o skill sa ganitong paraan.  Na ang puno’t dulo nito ay ang pagkakaroon ng fame at kumita ng pera.

 Magaling ang pinoy dahil nakakaya niyang basagin sa kanyang ulo ang tatlong piraso ng hollow blocks.  Magaling ang pinoy dahil kaya niyang hilahin sa pamamagitan ng ngipin ang sasakyan. Magaling ang pinoy dahil kaya niyang balatan ang isang piraso ng niyog sa pamamagitan ng pagkagat.  Ngunit anong klaseng talent o skill? Anong kultura o inpormasyon ang naibibigay nito sa manonood? Ilang katanungan ito na gusto sanang masagot ng pelikula.

 Ang treatment ay pop. Satire. Parang docu ang estilo, magalaw at hand-held ang camera.

Copyright © 2001 .Mov: The 1st Philippine Digital Film Fest and Filmless Films. 
 All Rights Reserved.